Tuesday, July 22, 2025

Cotabato: My Last Province to Complete Project PH82

 Konteng backstory lang..


While preparing yung mga evidences/pictures ko para makapagpacertify din ako sa future at para din sa ilalagay sa Timba at Exploretale app, napansin ko na wala pala akong entry for (North) Cotabato even though I already had our SOX trip. I already confirmed with our tour guide at wala nga talaga. Mejo nakaka-frustrate lang kasi it was supposed to be part of the SOX trip. At mas nakaka-frustrate kasi hindi ko man lang nacheck yung itinerary namin. Too late na nung malaman ko. I understand na close ang Asik-asik that time and parang ayaw ko na din magpunta ng Daday falls since pagod na din kami sa Lake Holon. Pero madami naman siguro ibang pwede puntahan aside sa mga usual na entries. Pero nangyari na ang nangyari. And I can only blame myself for not checking on the itinerary. So, I had this very quick trip to Kidapawan.


BTW, naglagay nga din pala ako ng overview ng mga important things sa dulo ng entry na ito, so if mejo tinatamad kayo basahin yung buong story, you can already skip and go to the last part of the post.


For this trip, I did my research na lang since Asik-asik is still close. First, anong part ng Cotabato ang pinaka-accessible. So dito ko nalaman ang Kidapawan. 1 bus ride lang sya from Davao. I also asked some friends and Kidapawan din naman ang naging suggestion nila. Mejo nahirapan lang ako makahanap ng kontak dito kasi wala ngrereply sa mga nahanap kong kontak sa FB at mga blogs. May binigay sakin na kontak si Kuys pero hindi din kami magkaintindihan sa setup. 3 kasi kami and 1200-1500 ang rate ng isang habal. At kahit konte lang ang magiging dala nmin, mahirap pa din maghabal ng may mga dalang bag. I asked kung pwede car option, pero 4k daw at may kasama pang isa na driver kasi ayaw daw ipadrive sa iba yung car. So baka kakilala nia lang din yung may-ari at hindi talaga car rental. So mejo hindi kami ngkasundo sa setup na to. Then naghanap na lang ako ng ibang option pa. May nakita ako na car rental sa Kidapawan at mejo mura din naman ang rate. 1500 ung car pero self-drive. Unfortunately, wala naman saming 3 ang marunong magdrive. Buti na lang at meron silang promo na 2k, car with driver na at samin ang fuel. May additional car wash fee din pala ito na P150. Nag-go na din ako sa ganitong option with a downpayment lang na 500.


Fast forward to early days of our trip month, hindi pa din nagbibigay ng contact number ng driver yung car rental. To be honest ay mejo kinabahan na ako. Hahaha. Pero buti na lng ngbigay din naman ng contact number sa mismong flight day namin, which is sakto lang talaga kasi kinabukasan pa naman ang tour namin. Ang binigay samin na driver ay si Kuya Jeff since alam nya yung mga binigay kong lugar na pupuntahan namin.


For Day 1, we flew to Davao muna. Okay naman kasi hindi delayed ang flight nmin. Ang kasama ko for this trip ay ang aking GF na si MJ and our friend na si Arlene. After arriving sa Davao airport, naglakad lang kami palabas ng airport at nag-abang ng bus papuntang Ecoland. Nagpicture pa pala kami sa Durian sa airport. Ngayon ko lang din sya napansin. So yun na nga, naghintay kami ng bus na papunta sa Ecoland. Unfortunately, sa tagal naming nag-aantay, wala pa din kmi nakita na bus. May isang dumaan na bus pero hindi kami hinintuan. Nagtanong din kmi sa ibang naghihintay dun sa area at sabi naman nila ay may bus naman daw na dumadaan to Ecoland. Pero mejo mainit na din ang araw nun. So nagdecide na lang kami na mag-taxi. May isa pang naghihintay din ng bus to Ecoland at isinabay na namin sya para din mas mapababa yung gastos namin. Inabot ng P260 yung taxi fare so P65 each lang kami.


Pagdating sa Ecoland, sumakay lang kmi ng bus papuntang Kidapawan. Bumili muna kami ng ensaymada at drinks para naman may makain kami sa daan. Initially, plan nmin habulin ang lunch buffet sa Sitio Maupot sa Magpet. Sikat kasi sya na Bali-inspired resort sa Kidapawan. Mejo pricey yung staycation nila, buti na lang at may daytour option sila. Kaya lang due to traffic, hindi din namin maabutan ung lunch buffet. Around 1 PM na din kmi nakarating sa Kidapawan so around 3.5 hrs talaga ang byahe from Davao with all the stops and traffic accounted.


We had our lunch sa Rustico’s Cafe. Nagtrike lang kami from Kidapawan integrated bus terminal going to Rustico’s. P15 lang ang bayad sa trike. We ordered Bacon carbonara, Kawali Pinakbet, and Beef Kare-kare. I can say na maganda yung place at masarap yung food nila. We took some photos sa iba’t ibang area/part ng cafe before umalis. We took another trike going to our accommodation, ABC Landmark Hotel. We availed their triple room.


Rustico's Cafe. Perl, MJ, and Arlene (left to right)

Solo pic with the cafe signage



We rest a bit before going out again. We planned on going to Magpet and explore the town. Hindi na kami pupunta sa Sitio Maupot since hindi na masusulit yung payment without the lunch buffet. From the hotel, tricycle lang papunta sa Magpet-Kidapawan terminal. Need ng 5 pasahero bago umalis ang trike. 4 na kaming sakay and mejo naiinip na din kami maghintay ng isa pang pasahero. Naisip namin na babayaran na lang namin yung isa since 50 lang naman yung isa. Pero habang nagsasabi ako sa driver ay may isa namang pasahero na dumating so wala na kami binayarang extra. 


Nagpababa kami sa Munisipyo ng Magpet. Nagpicture kami sa Municipal hall nila at sa Magpet signage na makikita sa compound. From there, nilakad na lang namin papunta sa church, Saint Joseph Parish Church. Hindi na kami nakapasok since parang may event sa loob ng church.  We took some photos sa labas ng church and after that, naglakad na lang kami papunta sa Heritage plaza. Andito yung I Love Magpet signage at malapit din ang Tourism office. Though parang close ang Tourism office nung pumunta kami or baka bukas pero hindi lang namin tinry pumasok. 


Saint Joseph Parish Church

Magpet Municipal Hall

Magpet Signage in the Municipal Compound

I <3 Magpet signage in the Heritage Plaza

Tamang picture lang sa Heritage Plaza



After exploring the plaza, nagtry kami mag-antay ng trike na bibiyahe pabalik sa Kidapawan. Unfortunately, wala kami mahanap na dumadaan. Eto ung mejo mali namin, dapat ang inuna namin ay ang plaza, then church at huli ang munisipyo kasi mas malapit na yung terminal ng Magpet papuntang Kidapawan sa munisipyo. Pero since nasa plaza kami, sumakay na lang ulit kami ng trike papunta sa terminal. Then, naghintay ulit ng makakasabay sa trike pabalik ng Kidapawan. This time, mas mabilis kami nakaalis kasi 4 passengers lang at umalis na yung trike na sinasakyan namin. Sa Magpet-Kidapawan terminal pa din kami bumaba at nagtrike na lang ulit papunta sa church, Our Lady of Mediatrix of All Grace Cathedral. Nagpicture lang kmi konte sa labas at umalis na din. Naiwan si Arlene para magsimba at pumunta naman kmi ni MJ ng Jollibee. 


Our Lady of Mediatrix of All Grace Cathedral



Sa Jollibee, nakipagmeet ako sa mga pinsan ko at tita ko. Anlalaki na nila. Huli ko kasi sila nakita ay more than 10 years ago pa. Konteng kwentuhan at kain. Hindi na kami kumain masyado kasi kakain din ulit kami after magsimba ni Arlene. 


with my Tita and Cousins



We had our dinner sa Robata, isang Japanese restaurant. Masarap din yung food nila dito. Ang mga inorder namin ay pork ramen, gyoza, scallops, at buttered shrimp ponzu. Sobrang nabusog kami kaya derecho na din balik sa hotel para makapagpahinga. Selfie na lang kami kasi kami na lang naiwan sa taas after mabigay yung mga orders namin.





End of DIY Day 1.



Day 2. Eto ang tour talaga namin for Kidapawan. Dumating naman on time si Kuya Jeff. 7 AM ay nasa baba na sya ng hotel. Ang una namin ginawa ay nagpa-gas. Nasa 500 lang muna para hindi din kami mapagastos ng sobra sa gas. Nagbreakfast muna kami bago nagstart yung tour talaga. Ang first stop namin ay ang Kidapawan City Hall. Mejo maaga pa nito at nagpeprepare pa lang sila para sa flag ceremony so quick picture lang kami. Next stop ay Cotabato Provincial Capitol. Andito din ang Museyo Kutawato. Unfortunately, mali ang nakalagay na opening time sa google Maps. Akala namin ay bukas na ng 8AM. Pero ang bukas pala ay 9AM pa. 


Kidapawan City Hall

Kidapawan Signage

Cotabato Provincial Capitol

Museyo Kutawato - close pa nung pumunta kami.
9AM ang opening and not 8AM



Next stop ay yung New Israel Eco Adventure. Pero bago kami pumunta sa New Israel ay dumaan muna kmi sa municipal hall ng Makilala at sa church, Sto. Nino de Cebu Parish. Hindi na kami nakapasok din kasi may event din sa loob. Super quick lang na daan then derecho na din agad sa next stop talaga namin. As of the time of visit, isa lang daw ang activity nila dun which is monkey and dove feeding. So bumili kami ng Skyflakes at mani para yun ang ipakain sa mga monkey at dove. Tinawag na sila ng tour guide namin at isa isa ng lumapit yung mga unggoy. Sabi ng tour guide namin ay wag daw namin titignan sa mata yung mga unggoy kasi para sa kanila ay parang naghahamon daw ang ganun. Ambilis lang naubos yung mga binili namin kaya nag-2nd round kami at bumii naman ng tinapay sa mas malapit na bilihan. Saglit lang din yung experience. After mgpakain ay nagpicture lang kami sa I Love New Israel na signage and sa shrine nila dun.


Makilala Municipal Hall

Sto. Nino de Cebu Parish

Behave pa yung unggoy. 

Bangkang Kainan




Ang sunod naming pinuntahan ay yung Twin falls. Parang nasa dulo na ng dulo ang Twin falls. Buti alam ni Kuya Jeff papunta dun. Though mejo matagal na daw sya nakapunta kaya minsan ay nagtatanong-tanong pa din kami sa mga pwede mapagtanungan. Anyway, nakarating naman kami sa Twin falls. Konte lang ang tao nun. Mura lang din ang entrance kasi P20 lang. May additional payment lang na P20 for car parking. Stairs naman na din yung daan pababa papunta dun sa falls. Hindi na kmi sinamahan ni Kuya Jeff pababa, hindi naman nakakaligaw kasi isa lang ang pathway. 


Twin falls sa Indangan



For our lunch, Cresenta at Camp Cesaria talaga yung options ko. Mas gusto ko sa Cresenta kasi mejo malapit na sya sa Twin falls pero hindi familiar si Kuya Jeff dito and namiss din namin yung likuan papunta dun kaya hindi na kami nakapunta. Yung ibang sinuggest ng car rental page ay yung Alfonso’s Ridge at Abubakar farm. Dahil mas familiar si Kuya sa Ridge, dun na kami naglunch. Merong P100 na entrance fee pero consumable naman yung buong P100 kaya okay din since kakain naman talaga kami. Ang mga inorder namin ay sizzling bulalo, sinigang na hipon at sweet and sour fish fillet. Mejo kakaiba yung sizzling bulalo kasi naging parang beef salpicao yung lasa nya. Tapos yung fish fillet ay hindi yung usual na cream dory kaya mejo nakakapanibago. Anyway, nasarapan kami sa sabaw ng sinigang. Tamang-tama sa mejo malamig na panahon. After kumain ay nagpicture kami ng konte sa pool nila. Nagpa-gas na din ulit kmi nito ng 350 kasi parang paubos na yung una naming pina-gas.



Pool ng Alfonso's Ridge

With our driver, Kuya Jeff



Ang second to the last destination namin ay ang Lake Agco. Mura lang din ang entrance dito, P20 lang. May katabi din syang resort pero dun kami sa may P20 na entrance pinapunta ng guide nmin. Naglakad lng kami papasok hanggang matumbok namin yung end ng daan. Meron dun isang maliit ng pool ng tubig. Ayon sa mga napanood kong videos, ung putik nila dito ay pampaganda ng balat dahil may sulfur. Meron nga din signage na bawal mag-uwi ng putik. Habang ngtitingin kami, may lumapit samin na nag-assist. Maganda daw yung galing mismo sa lake na putik kasi mainit pa. So kinuhaan nia kami ng mas mainit na putik at yun ang inilagay namin sa aming mukha. Syempre mejo pinalamig ng konte kasi nakakapaso talaga yung init ng putik. After spreading sa mukha namin yung putik, dapat daw patuyuin muna bago namin tanggalin. So hinintay muna namin matuyo yung putik, ngpicture atsaka naghilamos.


Kitang-kita yung usok na galing sa Lake Agco

with the putik face

Entrance signage ng Lake Agco


And ang last destination namin ay ang Taosuvan falls. Mejo nalilito ako sa tamang spelling nito kasi sa entrance at signage ay Tousuvan ang nakalagay. Anyway, namili muna kmi ng konteng chichiria at drinks bago bumaba. Sobrang lamig ng tubig dito. Nanginginig talaga ako nung lumusong ako. Pero dahil nga ito na yung last destination namin at may liguan naman ay naligo na din kami sa falls. Actually, kami lang ni Arlene ang naligo sa falls. Si MJ ay kumain ng kumain hahaha. Joke lang. Nagvideo din sya ng kanyang mga products kasi.


Signage sa falls

Flexing my customized shirt


At inihatid na kami ni Kuya sa Kidapawan integrated bus terminal. Sumakay na din kmi ng bus pabalik ng Davao. At mejo mahaba-haba din ang naging byahe. Ang una kong plan ay sa Jack’s ridge kami magdinner tapos lilipat sa Crazy Bites para dun magpalipas ng oras. Hindi na kami kumuha ng accommodation since maaga din naman ung flight namin. Pero dahil mejo naging mahaba ang byahe namin, dumirecho na kami sa Crazy Bites para dun kumain. Gabi na pero energetic pa din sila dito. Umorder lang kami burgers, fries at wings.


Dinner sa Crazy Bites Co.


And that’s the end of our trip!

End din ng Project PH 82 ko!

 


===============================================



Just leaving here yung mga ilang details para hindi nio na need basahin yung buong story.


Flight:

Manila to Davao

Davao to Manila 

Via Cebu Pacific

Cost: P7400, roundtrip, 3 pax


Accommodation:

RedDoorz @ ABC Hotel

Via Agoda

Cost: P1843/night for triple room 


Car rental with Driver:

Cost: P2000

Gas: P850

Car wash fee: P150


Other Transport fees:

Bus (Davao-Kidapawan vv) - P265/head

Trike (Magpet-Kidapawan vv) - P50/head

Trike fare starts at P15

Taxi (Davao airport to Ecoland) - P265+ 



Entrance fees:

Lake Agco - P20

Twin falls - P20

        Tausovan falls - P60







List of all Municipal Hall, City Hall, and Provincial Capitol Visited in the Philippines

 Lorem Ipsum

List of all hosts, tours, guides (based on my trips)

PH 82

Region I: Ilocos Region

Ilocos Norte 

    Pagudpud - Ramon Caraang

Ilocos Sur - DIY

La Union - DIY 

Pangasinan - *will ask Kuys of the name of tour agency*



Region II: Cagayan Valley

Batanes - SkyJet vacations

Cagayan - DIY

    Calayan - Rock Jockers

Isabela - DIY

Nueva Vizcaya - Gala PH

Quirino - Gala PH



Region III: Central Luzon

Aurora

    Casiguran - MJ Yas

Bataan - DIY / Work

Bulacan - DIY

Nueva Ecija - Gala PH

Pampanga - DIY

Tarlac - ROX

Zambales - DIY



Region IV-A: CALABARZON

Batangas - DIY

Cavite - DIY

Laguna - DIY

Quezon - DIY

Rizal - DIY



Region IV-B: MIMAROPA

Marinduque - DIY

Occidental Mindoro - Leht's Travel

Oriental Mindoro - DIY / Work

Palawan

    El Nido - Tripidito

    PPS - Astrokidd

    Balabac - Fidel

    Port Barton - Port Barton with Joey Ronda

    Bataraza - DIY

    Brooke's Point - DIY


Romblon - Jonah's Travel



Region V: Bicol Region

Albay - DIY

Camarines Norte - Joiner (can't find the tour gc)

Camarines Sur - DIY

Catanduanes - DIY

Masbate - DIY

    Ticao-Masbate Island Hopping - Lakwatserong Masbatenyo

Sorsogon - DIY



Region VI: Western Visayas

Aklan - DIY

Antique - Carlito Amar

Capiz - Dodoy Ordas

Guimaras - Joel Guileno

Iloilo - DIY

    Gigantes Island - Gigantes Island Tours and Services by Rhett Paul  

Negros Occidental - DIY

    Sipalay - Dojie



Region VII: Central Visayas

Bohol - Efren

Cebu - Cebu Tour Jay-ar Cero

Negros Oriental - DIY

    Valencia - Deodor Mapula

Siquijor - Jun Mark Buna (daytour)

    - Siquijor Ariel Travel and Tours



Region VIII: Eastern Visayas

Biliran - Joery Catigbe

Eastern Samar - DIY

Leyte - DIY

Northern Samar - Alvin Galvez

Samar - DIY 

Southern Leyte - DIY



Region IX: Zamboanga Peninsula

Zamboanga del Norte - DIY

Zamboanga del Sur - DIY

Zamboanga Sibugay - DIY



Region X: Northern Mindanao

Bukidnon  - Reymond Rubin Charles

Camiguin - Nads Valente

Lanao del Norte - DIY

    Lanao Provinces - Rommel Lozada Moreno

Misamis Occidental - DIY

Misamis Oriental - DIY



Region XI: Davao Region

Davao de Oro - Marjun Gayoso

Davao del Norte 

    Samal Island Hopping by Ms. Steph Gevila

Davao del Sur - Mindanao Travellers

Davao Occidental - Yson Padrique

Davao Oriental - Marjun Gayoso



Region XII: Soccsksargen

Cotabato - DIY

Sarangani - Yson Padrique

South Cotabato - Yson Padrique

Sultan Kudarat - Yson Padrique



Region XIII: Caraga Region

Agusan del Norte - DIY

Agusan del Sur - DIY

Dinagat Islands - Percing Llup

Surigao del Norte - Edgar Ruaya, Kuya Tonton Tuktuk, Nicko Quintas

Surigao del Sur - Cesar Cuarenta Sarmiento



BARMM - Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao

Basilan - Bernation

Lanao del Sur - Rommel Lozada Moreno

Maguindanao del Norte - Yson Padrique

Maguindanao del Sur - Yson Padrique

Sulu - Bernation

Tawi-tawi - Bernation



CAR - Cordillera Administrative Region

Abra - Dykath Molina

Apayao - DIY

Benguet - DIY

Ifugao - Gala PH

Kalinga - DIY

Mountain Province - DIY

Cotabato: My Last Province to Complete Project PH82

  Konteng backstory lang.. While preparing yung mga evidences/pictures ko para makapagpacertify din ako sa future at para din sa ilalagay sa...